-isang kakarampot na tagumpay...
Sabado,alas sais ng umaga.Sarap ng pagkakkahiga sa katreng may sapin.
May unan.Ngunit walang kumot na pabaon ni inay.Paano ga naman,kay layo layo na aming bahay.
Naudlot ang masarap na tulog na kagagaling lamang sa sa pakikipagkwentuhan, sa pakikipagdiskusyon sa mga taong hindi ko naman kilala.May iilan.Basta madami kaming napagusapan.Oras na para bumangon, hindi para magtiklop ng hinigaan, magtoothbrush at kumain ng pagkaing nakahain sa mesa.
PAGBABAGO pala.oo, pagbbago nga. Umagang puno ng makabuluhang bagay.Hala bangon na!Wala nang dapat ipagpaliwanag pa.Andito ka para sa bayan.Oo, ikaw nga kabataan.
Hindi kasing saya at kasing garbo ng palasyo ng Malakanyang.Isang pagttipon.Para sa tunay na pinaglalaban.Hustisya,pakikialam, pakikibahagi, at pagtatagumpay.Extempo, Essay writing, poem writing contest.Ano namang kinalaman nito sa ating pinaglalaban?Naguguluhan,nagdududa, ngunit haharapin ko ang hamon.
"Makasali ,wala trip lang!"sabi ko sa isang kaibigan."dali!, gawa na ikaw!Minsan lang to!."Kinuha ko ang kapirasong papel. Hinanap ko ang walang takip na bolpen."Bilis! abot ka pa, nakapirma ka na?""hindi pa, mamaya na lang."Hinawi ang nagsikalat na gamit ng mga delegado. Nagisip ng mga katagang ilalaban sa kapwa kabataan. Hindi ito away, hindi rin basag-ulo. Laban para sa isang titulo, para sa karangalan, ng pagkatao, ng budhi. Laban para sa masalimuot na buhay...
-"Ayan na, tawag na tayo,""saglit lang, patapos na!"Wala akong malay, hindi ko alam ang aking mga naisulat, tugma kaya?ano bang tema?bahala na trip lang naman.Sabay tawa!Nakinig sa mga nagiinit na pahayag,sa matatalas na salita, mga hinaing, paliwanag at kung anu-ano pa.Tinawag ko si BAYAW(tawag ko sa kanya dahil kay ate ko sa DAGUNDONG)"Kuya papirma!"Inabot ang ang papel at isinulat ang panagalan at ibinalik ang papel na pinirmahan.Kinakabahan, ewan ko kung bakit.Bahala na, nandito na eh.Sige, laban!
...Parang isang sugal ng buhay na wala kang kasiguraduhan.
Tinawag na ang lahat. Binigyan ng puting papel. Mas malinis at di kasing gaspang ng mga nagbabangu-banguhang opisyal ng bayan. Dala dala ang bolpeng walang takip.Malaya sa bansang demokrasya.
Isinalin ang mga katagang nasa kapirasong papel.Kaunti ang iginugol na oras para pagisipan, rebyuhin o ulitin.Wala!trip nga di ga?Natapos na rin ang mga kasama, balik sa diskusyon, opinyon at mga tanong.Walang katapusan.May biruan pa nga.Iyon pa din hanggang maghapon."Sakit na ito"sabi ko nga.Sakit dahil nagising ang ang natutulog na damdamin, hindi para sa isang minamahal,kundi para sa bulok na sistema ng lipunan.Oras na para makialam sabi nga ng STARPISH.Ayaw makialam, o walang pakialam?Hindi ka kailangan ng bayan kung ganito ka.Ano ka poste ng Meralco?kaning lamig sa mesa?expired na load?wari ko'y hindi...
Ang hatol, ikatlong pwesto, ikalawa...Wala nang pag-asa!Trip nga lang.Bakit apektado ka?Unang pwesto,...Unang pwesto.Tinawag ang pangalan ko."Hindi nga?Langya!nakuha ko?Gulantang sa narinig.Punong puno ng emosyon.Gusto kong umiyak,hindi dahil sa tuwang nararamdaman . Lungkot, marahil walang pagaakala,hindi inasam, hindi rin naman pinagpursigihan. Sasabog ako.parang bomba...Kumakawala...Tumataas ang tubig sa aking katawan, pinagpapawisan. Di kasing tindi ng nakaririnding pagsabog. Di kasing lakas ng lagaslas ng tubig na sumasalubong sa barikadang mga bisig ni Itay, Inay, Ate at Kuya sa Mendiola.Ganoon kalalim ang aking naramdaman.Isang karanagalan.Hindi para sa pansariling kasiyahan. Kundi para sa aming pinaglalaban...
"KAKARAMPOT NA TAGUMPAY".Isang tula,may anim na berso.Hindi ako makata.Hindi rin manunula.Ikaw na ang humusga sa aking gawa.Basahin at huwag humanga...

HANGGANG D'YAN KA NA LANG BA JUAN?
Habang minumulat mga matang saksi sa kahalayan
Naguguni-gunita saklap at pait ng kapalaran
Hindi nga ba't ako'y isang ordinaryong nilalang
Sumusulong, lumalaban, likas ang katapangan.
Sapagkat ang mundong ito na misa'y hind patas
Sa kalam ng sikmura, may pagnanasang makatakas
Sa tindi at galit nitong pusong pagas
Kailan pa kaya ang Pagasang makatakas.
Hindi ko tanggap itong aking kinasasadlakan
Pasakit, diskriminisasyon,mundong wari's nababalot ng kadiliman
Tila isang bangungot na bumabalot sa aking katauhan
Gitgit at galit sa ipinataw na kalupitan.
Nagyo'y batid kong sadya ngang kayhirap
Pagsiil nitong buhay na hiram sa Maykapal
Pagyurak sa damdamin, dignidad at dangal
Pagpupumiglas nitong damdaming makabayan.
Saksi ang Inang Bayan sa dusa at dahas
Kimkim ang pagasang ilipad ang bukas
Paghihinagpis ng tanang katauhan
Isulonh, ilaban gutom na paninindigan.
Sa likod ng mga nagkukumahog na damdamin
Bitbit ang pagasang kay Juan ay naghihintay
Adhika't pagnanasang dumuyan ang layag
Pumalaot ang diwang naghahangad ng KALAYAAN.

May kasiyahng nararamdaman. Ngunit hindi pa rin ako kuntento.Hindi lang ito ang kaya ko, ang kaya ni JUAN.Kakarampot ang aking kakayahan, hindi katulad ng ilan. May nakikipaglaban, nakikialam, nakikiramdam at may ilan din namang WALANG PAKIALAM.Yan si Juan, ayaw makialam,hindi naman mangmang!Ayaw lang makialam, makisangkot at lumaban... Ano ba ang tunay na hanap ni JUAN?kaguluhan?karahasan?o sariling kamatayan?Siguro nga.Yung ilan.Oo para sa bayan, para sa kabataan at para sa lahat.Hindi KABOBOHAN ang pagiisip ng kung ano angTAMA sa MALI, ng MALI sa TAMA. Malaya kang magisip, hayaan mong kumawala ang lahat lahat. WAG KANG TUMUNGANGA. Gamutin ang sariling buhay.Hindi lang ito ang kaya mo. May MAGAGAWA ka pa. Malapit na tayong gumaling.MALAPIT NG GUMALING ANG PILIPINAS...
-kaunting effort na lang... JUAN, tara lumaban? -tapos-

kagaya ng nasabi mo sa istarpish... kung may nagawa na'y sapat na ba??? kung tinatamad na'y tapos na ba???
ReplyDeleteMABUHAY ANG MGA AKTIBISTA!!!!
patuloy ang laban
ReplyDeletesumusulong, lumalaban. matapang!!! ipagpatuloy ang nasimulan para sa bayan.
ReplyDelete